Nakakapagod maging arki student. Plates after plates. Sunud-sunod na research, case studies, projects. Extremely exhausting. Pero lahat ng pagod nawawala pag nomo time na.
Ito ang karaniwang eksena after ng submission namin ng plate. Laklakan. Kahit tigsingkwenta pesos lang, solve na sa dami ng nabibili naming redhorse at pulutan
Imbes na bagong shirt o cd, inom na lang ang treat namin sa aming mga sarili tuwing nakakatapos kami ng projects. Syempre after a month of worrying about your plate and a day or two na actual na inaallot sa paggawa nito (xempre hindi kami gumagwa pag matagal pa ang submission), nararapat lang naman na magcelebrate kami.
Masayang uminom. Lalo na kung ang activity nyo lang (bukod sa pag-inom) ay kwentuhan. Mas ok na walang music, videoke o kung anu pa man. Kasi habang umiinom, napag-uusapan namin ang lahat. Inaalala namin yung mga past experiences namin nung first year pa lang kami, pinagkkwentuhan yung mga klasmeyts namin na siraulo at “feeler”, iniinis si raki… madami pa. Di ko lang matandaan kasi inaantok na ko. Hehe.
Oo, masama daw uminom. Pero kahit anu pa mang negative ang nararamdaman ko tuwing umiinom ako, di ko naman maipagpapalit ang “ibang klaseng” bonding at “quality time” na nararanasan ko tuwing kainuman ko ang mga kabarkada ko. Dahil bawat oras na kasama ko silang tumutungga ng beer at nagtatawanan sabay sigaw ng “lasheng!” ay isang karanasan na tumatatak sa aking hypotalamus.
Oh ano, tagay pa.
--Christmas Party sa bahay nila Joa. Si Yas caught in the act. Haha. :bz
No comments:
Post a Comment