Thursday, November 12, 2009

Arki 09 Graduates

arki09 - Copy

Sa wakas nakagraduate na kami. Akala ko madali na ang lahat kapag nakagraduate na. Pero as usual, mali nanaman ako.

Tama nga yung prof namin sa Taxation. Pag daw nakagraduate na ang isang tao, yumayabang kahit papano. Naramdaman ko nga yun. Pero ang di nila alam, habang papalapit ng papalapit ang aming graduation, pababa naman ng pababa ang pangarap ko sa buhay.

Of course not. I’m not pessimistic. Isa na yata ako sa mga taong may pinakamataas na positive energy sa mundong ito. Naging realistic lang naman ako dahil naiisip ko na nung mga panahong iyon kung anu ang pwedend mangyari sa akin. Makakahanap ba ako ng trabaho? Magkakatrabaho kaya ako? May trabaho kayang naghihintay sakin? Pano ko tatapusin ang entry na’to?

Nyah… Bakit ko ba sinasabi ‘to. Eh diba im supposed to talk about the graduates? Anyway, sana naman maging successful kaming lahat. Alam ko namang ang mga “professionals” na kagaya natin, di man yumaman ng husto, kahit papaano ay nakakaangat din sa buhay basta’t marunong lamang dumiskarte at iprapractice talaga ang kanyang napag-aralan.

To my classmates, kaya natin to. Where there is Love and Inspiration, i don’t think we can go wrong. Go Arki Go Arki Go!

No comments: