Wednesday, September 15, 2010

My Inasal – My Life

“Sa Mang Inasal ka nagtratrabaho?”

“Ha?”

“Bakit?”

“Anung ginagawa mo dun?”

 

HMP… ito ang kadalasang tanong sakin ng mga kakilala ko sa tuwing nalalaman nila na sa Mang Inasal ako nagtratrabaho.

“‘Di ba Architecture Graduate ka?”

Oo, sa Mang Inasal ako nagtratrabaho. At proud ako dun.

Ang Mang Inasal ay isang malaking kompanya na may madaming department, madaming employees at madaming offices. Hindi ito basta fast food restaurant.

Sa Mang Inasal ko natutunan ang sobrang daming bagay:

(In chronological order mula noong unang pasok ko sa kompanya)

  1. makisama sa ibang lahi
  2. mag-fax, mag-photocopy
  3. mag-sort ng files
  4. mag transfer ng calls
  5. mag-fold at mag dry seal ng plano
  6. mag-photoshop (basic lang)
  7. mag-document
  8. gumawa ng bill of materials at building specifications
  9. gumawa ng complete working drawings
  10. sumakay sa eroplano
  11. sumkaya sa eroplano para lang makipagmeeting ng 1 hour sa contractor na nasa baybay dagat
  12. mag-ocular inspection
  13. makipag-usap sa mga pasaway na mayayamang tao
  14. makipag-usap sa mga pasaway na dukhang tao
  15. mag-present sa harap ng mga office mates
  16. magrender sa kerkythea
  17. gumamit ng windows seven
  18. gumamit ng dual monitor
  19. mag-preside ng meetings (preconstruction and technical presentation)
  20. magpasunod ng contractor
  21. manakot ng contractor pag ayaw sumunod
  22. magcompute ng quantity at tr ng aircon
  23. magcheck ng site using my “technical expertise”
  24. gumawa ng reports na kapakipakinabang
  25. maghandle ng mga professional
  26. so many to mention

skills pa lang yan… yung knowledge pa…

Architecture graduate ako… pero madami na akong natutunan sa field ng civil engineering, mechanical engineering, electrical engineering, plumbing at business administration.

I am really thankful na dito ako napunta. It helped me a lot sa technical ability at interpersonal skills.

Now i am more intelligent, assertive (sometimes aggressive) and very equipped with so many pieces of information.

Yung mga klasmeyts ko na nagtratrabaho sa arch’l firm cad operator pa din. Ni hindi naexperience na magdesign ng structure. Tapos minimum lang ang sweldo.

Ako, from CAD Operator, naging Project Inspector, and I am currently the Senior Design Officer of Business Development Department.

Aside from having higher salary (at least with my classmates), andami ko pang benefits and privileges. Yung gadgets ko (including a laptop) provided ng company. I’ve travelled to many places in the country from Laoag to General Santos City. Within 15 months, i had 16 fights na sagot ng kompanya at may kasama pang food allowance, transpo allowance and hotel accomodation. Imagine, i have once flew to Cebu just to attend a 2 hour meeting with contractors. Tapos pasyal pasyal na.

Aside from the usual construction tours, palagi din kaming umaatend sa PhilConstruct, Conex and other exhibits for construction industry. May service na, sagot pa ng company ang entrance namin.

Sa office, hindi naman masyadong mabigat ang trabaho. May time pa para magfacebook at magdownload ng movies. San ka nakakita ng office na nagtratransform into a computer shop na puno ng avid gamers tuwing lunch break.

Well, of course, hindi naman perfect itong kompanyang pinasukan ko. May mga flaws pa din. But for me, it is one of the best companies to work for in our country.

“Sa Mang Inasal? Bakit dun?” tanong si Ms. Librarian.

“Bakit akala mo crew ako?” mayabang kong sabi.

“Senior Design Officer ako dun.”

Siguro i sound really harsh. Pero ito na ako ngayon. Agresibo. Salamat sa Mang Inasal. Kung hindi sa experience dito baka ako pa din yung Dexter na mahiyain, tahimik at walang conviction.

Salamat sa aking Mang Inasal Family. Hindi ko kayo malilimutan. Mwahugz…

Friday, November 27, 2009

001_28NOV2009 Windows Seven Tips and Tricks: Connecting to Multiple Displays

With W7, connecting to multiple displays is very easy compared to Vista and XP. Just press WinKey+P and choose the mode you want. You may duplicate your display, extend your display (this works good when you are using AutoCadd or Sketchup) or show the screen only on your secondary monitor. However, you have to make sure that you have enough video memory so your monitor wont freeze or become framey. Well that's freaky...

001_2009NOV25_W7 TIPS

Extended display works well with my DirectX-11 enabled video card built into Mobile Intel 965 Express Chipset Family with 358 MB of video memory. And this spec is quite low and cheap enough for most people to afford so almost anyone can enjoy this great new feature of Windows.

Monday, November 16, 2009

Laklak

Nakakapagod maging arki student. Plates after plates. Sunud-sunod na research, case studies, projects. Extremely exhausting. Pero lahat ng pagod nawawala pag nomo time na.

IMG_0303

Ito ang karaniwang eksena after ng submission namin ng plate. Laklakan. Kahit tigsingkwenta pesos lang, solve na sa dami ng nabibili naming redhorse at pulutan

IMG_0308

Imbes na bagong shirt o cd, inom na lang ang treat namin sa aming mga sarili tuwing nakakatapos kami ng projects. Syempre after a month of worrying about your plate and a day or two na actual na inaallot sa paggawa nito (xempre hindi kami gumagwa pag matagal pa ang submission), nararapat lang naman na magcelebrate kami.

Masayang uminom. Lalo na kung ang activity nyo lang (bukod sa pag-inom) ay kwentuhan. Mas ok na walang music, videoke o kung anu pa man. Kasi habang umiinom, napag-uusapan namin ang lahat. Inaalala namin yung mga past experiences namin nung first year pa lang kami, pinagkkwentuhan yung mga klasmeyts namin na siraulo at “feeler”, iniinis si raki… madami pa. Di ko lang matandaan kasi inaantok na ko. Hehe.

Oo, masama daw uminom. Pero kahit anu pa mang negative ang nararamdaman ko tuwing umiinom ako, di ko naman maipagpapalit ang “ibang klaseng” bonding at “quality time” na nararanasan ko tuwing kainuman ko ang mga kabarkada ko. Dahil bawat oras na kasama ko silang tumutungga ng beer at nagtatawanan sabay sigaw ng “lasheng!” ay isang karanasan na tumatatak sa aking hypotalamus.

Oh ano, tagay pa.

SDC10482

--Christmas Party sa bahay nila Joa. Si Yas caught in the act. Haha. :bz

Thursday, November 12, 2009

Arki 09 Graduates

arki09 - Copy

Sa wakas nakagraduate na kami. Akala ko madali na ang lahat kapag nakagraduate na. Pero as usual, mali nanaman ako.

Tama nga yung prof namin sa Taxation. Pag daw nakagraduate na ang isang tao, yumayabang kahit papano. Naramdaman ko nga yun. Pero ang di nila alam, habang papalapit ng papalapit ang aming graduation, pababa naman ng pababa ang pangarap ko sa buhay.

Of course not. I’m not pessimistic. Isa na yata ako sa mga taong may pinakamataas na positive energy sa mundong ito. Naging realistic lang naman ako dahil naiisip ko na nung mga panahong iyon kung anu ang pwedend mangyari sa akin. Makakahanap ba ako ng trabaho? Magkakatrabaho kaya ako? May trabaho kayang naghihintay sakin? Pano ko tatapusin ang entry na’to?

Nyah… Bakit ko ba sinasabi ‘to. Eh diba im supposed to talk about the graduates? Anyway, sana naman maging successful kaming lahat. Alam ko namang ang mga “professionals” na kagaya natin, di man yumaman ng husto, kahit papaano ay nakakaangat din sa buhay basta’t marunong lamang dumiskarte at iprapractice talaga ang kanyang napag-aralan.

To my classmates, kaya natin to. Where there is Love and Inspiration, i don’t think we can go wrong. Go Arki Go Arki Go!